Saturday, August 15, 2009

Mar Rosas ( Commercial Add)



Mar Rosas bumisita sa palengke

Mga Tao: ( Sinisigaw ang pangalan nya ( Maaar)

Mar Rosas: kumakaway, ngumingiti sa mga tao..

Batang lalaki: Kuya Maaar..

Batang babae: kuyaaa Maaaar..

Mar Rosas:
Kamoostaa..

Ale: Kuya Mar tignan mo naman ang pinamili ko, anim ang kakain pero pang dalawahan lang ito,

Mar Rosas: Ale paubos na kasi yung paninda dito sa palengke bakit kasi kung kailan pagabi na dun ka pa lang bibili.. ( Harujusko...)

Binata: gusto ko sanang tapusin ang pag-aaral ko..

Mar Rosas: ganun ba.. panu mo matatapos pag-aaral mo eh tambay ka dito sa palengke asan ba eskwelahan mo? (umayus ka nga..)


Trabahador: Kayod kami ng kayod, nakaw naman sila ng nakaw..

Mar Rosas: ( binulungan ang lalaki) hayaan mo bibigyan kita ng porsyento sa parte ko.

Lola: sabi nila bawal daw magkasakit ang mahihirap.

Mar Rosas: lola bawal po talaga tayu magkasakit bakit kasi gustong gusto nyung magkasakit ha?
(ilibing kita ng buhay eh aynaku..)

Lolo: marami ng dumaan dito pero ikaw lang ang nakinig at di napagod..anak sana dika magbago!!

Mar Rosas: sa totoo lang ho lolo pagod na ko eh, pauwi na sana ako hinarang nyu naman kutse ko, at isa pa hindi nyu ako anak OK!!

Mar Rosas: pero wag kayung mag-alala, ramdam ko kayo, wag kayong matakot..lalaban tayu..
tatawag tayu ng GHOSBUSTER!!

WAHAHAHAHAAHA!!!

No comments:

Post a Comment